Nadagdagan pa ang listahang inilabas ng US Food and Drug Administration (FDA) ng mga hand sanitizer products na pinangangambahang kontaminado ng toxic methanol.
Ayon sa FDA, dumarami pa ang mga produkto na may ethanol o mas kilala bilang ethyl alcohol na kamakailan ay nagpositibo mula sa poisonous methanol contamination.
Mahigit 12 hand sanitizer products na binebenta ng Mexico-based company 4E Global ang di umano’y may mataas na lebel ng methanol at kasalukuyang inirekomenda upang i-recall.