Kinumpirma ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na may ilang sibilyan silang binihag mula sa kinubkob nilang paaralan sa Malagakit, Pigcawayan, North Cotabato.
Ito ang inihayag ni BIFF Spokesman Abu Misry Mama sabay paglilinaw na hindi nila iyon ginagawang human shield mula sa tropa ng pamahalaang nakapaligid sa nasabing eskuwelahan.
Sinasabing ilang estudyante at mga guro ang na-trap sa nasabing eskuwelahan nang salakayin ito ng mga bandido ngunit blangko ang militar na tukuyin ang eksaktong bilang ng mga ito.
Nabatid na kinubkob ng grupo ni Kumander Abunawas Damiog Alyas Agila ang outpost ng barangay peacekeeping action team sa Barangay Malagakit saka sinunod ang eskuwelahan at aguado o water district ng nasabing bayan.
By: Jaymark Dagala