Isinailalim sa tatlong araw na Basic Filipino Sign Language (BFSL) ang mga Health worker ng Department of Health (DOH) sa Ilocos Region.
Ito’y para kanilang magamit sa pakikipag-komunikasyon sa mga indibidwal at pasyenteng may hearing impairment o problema sa pandinig.
Nasa 32 ang lumahok sa aktibidad kasama ang mga Local Government Units (LGUs) kung saan, kanilang pinag-aralan ang mga alpabeto, numero, pagbati, oras, araw at buwan, para sa epektibong komunikasyon at konsultasyon ng mga pasyenteng may kapansanan.
Ayon sa ahensya, importanteng maunawaan ng mga health worker ang mga kailangan at concerns ng mga PWDs upang maiwasang magkamali sa pagbigay sa kanila ng proper treatment and care.
Bukod pa dito, mae-engganyo na rin silang magpunta at magpakonsulta sa mga health center dahil alam nilang mayroong health worker na makakaunawa at mag-aasikaso sa kanila sa pamamagitan ng sign language.