Hindi kailangan ng accreditation mula Department of Health (DOH) ng mga health workers sa pagganap nito ng tungkulin sa kabila ng umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, medical license o ID na inisyu ng kani-kanilang mga kompanya lamang ang kailangang ipakita sa mga awtoridad.
Dagdag pa nito, ang ating mga health workers ay siyang tunay na bayani ng sambayanan at nagpapasalamat aniya ang pamahalaan sa kanilang sakripisyo’t serbisyo publiko.
Magugunitang, naglatag ng mga libreng shuttle service para hindi na mahirapan ang mga health workers na pupunta sa kani-kanilang trabaho sa kabila ng suspendidong mass transportation dahil sa umiiral ng quarantine sa Luzon.
Sa panulat ni Ace Cruz.