Aabot na sa mahigit 300,000 health workers na ang nabakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa kabuuang 336, 656 ang nakatanggap na ng bakuna as of March 20, tatlong linggo matapos magsimula ang vaccine rollout sa bansa.
Ipinabatid din ni Vergeire na nasa 98.2% naman ng kabuuang doses ng bakuna ang naipamahagi na.
Ang mga bakunang ito ay ang Sinovac vaccines mula sa China at AstraZeneca mula sa Covax facility.
Sa kasalukuyan naman ay mayroon nang 1,623 vaccination sites sa bansa.