Umabot na sa 973 Medical Frontliners sa Philippine General Hospital sa Maynila ang tinamaan ng COVID-19.
Ito ang inihayag ni PGH Director, Dr. Gerardo “Gap” Legaspi sa gitna ng nararanasang COVID-19 surge sa bansa, partikular sa Metro Manila.
Ayon kay Legazpi, nag-triple ngayong Enero ang COVID-19 cases sa ospital kumpara sa 308 noong Setyembre.
Ito, anya, ang dahilan kaya’t nag-do-double duty na ang ilan pang Healthcare workers gaya na lamang ng isang nurse na nag-accommodate sa labingwalong pasyente na nagtrabaho ng labing-anim na oras.
Aminado naman si Legazpi na nakatulong ang pinaikling Quarantine protocol sa healthworkers upang matugunan ang Manpower shortage.