Tuluy-tuloy ang mga pagdinig at maging ang mga pagpupulong sa Kamara, kahit naka-sine die adjournment na ang Mababang Kapulungan simula sa June 4.
Ayon ito kay House Majority Leader Martin Romualdez na nagsabing gagawa siya ng pormal na mosyon upang payagan ang house committees on legislative franchises at good government and public accountability na matalakay ang panukalang pagbibigay ng 25-year franchise sa ABS-CBN.
Pagkakataon na rin aniya ito para makapagsagawa ng pagdinig ang kamara sa iba pang mahahalagang panukalang batas kaugnay sa pagtugon sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Una nang inpraubhan kahapon ng House Defeat COVID-19 Ad Hoc Committee ang P568-milyon o Philippine economic stimulus act, fist o financial institutions strategic bill at anti-discrimination bill.