Dumating na sa bansa ang mga heavy equipments na ipinadala ng China bilang ayuda sa gagawing rehabilitasyon sa Marawi City.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, nasa port of Iligan na ang 47 mga heavy equipments kabilang ang excavator, wheel loader compactor, truck type contractor, bulldozer, dumptruck, cement mixer at container van.
Bukod dito ay may inaasahan pang dagdag na pitong machineries na darating na bahagi pa rin ng tulong mula sa China.