Naisumite na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang listahan ng apat na heneral na posibleng ipalit kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Ano, na magre-retiro na sa Oktubre 26.
Kabilang sa mga napipisil ang dalawang heneral na taga – Mindanao na malapit sa Pangulong Rodrigo Duterte, ay sina AFP Western Command Chief Lieutenant General Carlito Galvez at AFP Eastern Mindanao Command Chief Lieutenant General Leonardo Rey Guerrero.
Si Galvez ang kasalukuyang namumuno sa operasyon sa Marawi City at miyembro ng PMA Class 1985.
Habang si Guerrero naman ang kasalukuyang pinuno ng eastern Mindanao Command na nakakasakop sa Davao City at miyembro ng PMA Class 1984.
Bukod kina Galvez at Guerrero, kabilang din sa listahan sina AFP Vice Chief of Staff Lieutenant General Melchor Mison Jr., ng PMA Class 84, at Deputy Chief of Staff Vice Admiral Narciso Vingson Jr., ng PMA Class 85.