Posibleng ilipat sa isang military facility ang tinaguriang Bilibid 19 o high profile inmates sa Building 14 ng NBP o New Bilibid Prison.
Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Major General Alexander Balutan na binisita na nila at na-inspeksyon ang ISAFP Detention Center, isa pang pasilidad sa Tanay at Caballo Island sa Cavite.
Ayon kay Balutan, kailangang mailipat ng piitan ang Bilibid 19 para matigil na ang korupsyon at karahasan sa loob ng bilangguan.
Magugunitang 2014 nang ilipat sa NBI Compound mula sa NBP ang Bilibid 19 matapos masabat sa Building 14 ang mga kontrabando tulad ng cash at sex toys.
By Judith Larino