Magpapatupad na ang Department of Education o DepEd ng random drug testing sa mga mag-aaral sa sekondarya.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ito ay bahagi ng pakikiisa ng DepEd sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.
Pero maliban sa high school students, isaisailalim din sa random drug testing ang mga guro mula sa elementarya at high school maging ang mga opisyal at staff ng DepEd sa central, regional at school division offices.
Gayunman, tiniyak ni Briones na sasailalim muna sa orientation-training ang mga DepEd personnel simula ngayong buwan hanggang abril ukol sa drug testing program ng kagawaran.
By Ralph Obina