Maaaring makiisa sa Campaign rallies at sorties ang mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ito ang nilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing alinsunod sa alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF) na kapag nasa ilalim ng Alert level 1 ang isang lugar ay maaaring lumabas at makiisa sa nasabing aktibidad ang mga unvaccinated indibviduals basta’t ito’y nasa outdoor venue.
Paalala naman ni Densing na dapat na mahigpit na ipatupad ng Campaign coordinators ang social distancing at hindi pagtatanggal ng face mask para matiyak ang kaligtasan ng mga dadalo at hindi magkaroon ng super spreader event. —sa panulat ni Airiam Sancho