Dapat lamang umanong hindi isali sa restrictions ng Metro Manila Council (MMC) ang mga hindi pa bakunadong indibidwal na may medical condition.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos, naiintindihan nila ang mga indibidwal na hindi pa nagpapabakuna dahil sa kanilang kondisyon.
Ito’y kasunod ng pagsasailalim ng National Capital Region (NCR) sa alert level 3.
Sa ngayon aniya, nasa 100 hanggang 200 libo ang hindi pa nababakunahan kontra COVID-19 sa Metro Manila.
Samantala, pinapayagan pa rin naman ang mga individual outdoor exercise sa general area sa kanilang mga bahay depende sa rules ng concerned Local Government Units (LGU).
Habang ipagbabawal sa mga unvaccinated na indibidwal ang indoor at outdoor dining sa mga restaurants at iba pang food establishments.