Aarestuhin na ng mga otoridad ang mga pasaway na hindi nagsusuot ng facemask sa Pateros.
Ito’y matapos ipag-utos ni Mayor Miguel “Ike” Ponce III ang pag-aresto sa mga residenteng hindi nakasuot ng facemask sa gitna ng alert level 3.
Kasunod ito ng naitalang 38 aktibong kaso kabilang na dito ang 16 na bagong kaso kayat pumalo na sa 7,992 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Aabot naman sa 7,847 ang bilang ng mga naka-recover sa sakit habang 107 naman bilaang ng mga nasawi sa naturang sakit.
Samantala, nagpaalala naman sa mga residente ang alkalde na maging maingat at sumunod sa minimum health standards lalo’t may panibagong Omicron variant ng COVID-19 na mas nakakahawa kumpara sa naunang Delta variant. —sa panulat ni Angelica Doctolero