Ipinaalala lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mandato nito, na mangolekta ng buwis at habulin ang mga hindi nagbabayad nito.
Ito ay matapos banggitin ng Pangulo ang estate tax na aniya’y bigo pa ring makolekta ng BIR hanggang sa kasalukuyan.
Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, bagama’t hindi tinukoy ng Pangulo ang mga sakop dito, kailangan silang pagbayarin ng BIR, politiko o sinumang personalidad.
Tulong kasi ang malilikom bilang dagdag pondo, sa nagpapatuloy na programa sa gitna ng COVID-19 pandemic. – sa panulat ni Abby Malanday