Handa ang grupong pasang masda na tanggapin ang mga tsuper na hindi napabilang sa kooperatiba.
Ayon kay Pasang Masda National President Obet Martin, ito’y upang hindi sila mawalan ng hanapbuhay at matulungan ang kanilang pamilya.
Pinayuhan naman ng shunammite transport service incorporated ang mga tsuper na hindi nakapag-consolidate na umapela sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, dahil wala silang magagawa ukol dito.
Ngunit, pagtitiyak ng shunammite, handa silang ampunin ang mga ito kung sakaling mapagbigyan ng LTFRB ang kanilang apela.