Para sa mga hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang Globe prepaid, TM at Globe at Home Prepaid WiFi sim matapos ang 211 day registration period.
Ipinabatid ng Globe ang limang araw na grace period batay sa Sim Registration Act o mula ngayong araw na ito July 26 hanggang 30 na makapag-reactivate ang prepaid sim bago tuluyang maging permanente ang deactivation ng inyong mobile services.
Sinabi ng Globe na kapag lampas na ang deadline ang incoming text messages na lang active service mo at wala na ang outbound calls at text gayundin ang incoming voice calls at data services.
Dahil dito, hinimok ng Globe ang kanilang subscribers na gamitin ang 5 day grace period para makapag pa register sa pamamagitan ng sim registration portal ng Globe na https://new.globe.com.ph/simreg at globeone app para sa sim reactivation bukod pa sa mga globe stores at easyhubs .
Muling inihayag ng Globe na kapag bigong makapagparehistro sa grace period permanente na ang deactivation kung saan hindi na magagamit ang sim sa texts, calls at mobile data connectivity at maaapektuha ang paggamit ng mobile apps at kailangang bumili ng bagong sim para maka access ng mobile services subalit kailangan pa ring i active ang bagong sim.
Simula rin sa July 31, mawawala na ang lahat ng natitirang load at promo registrations sa unregistered sims.