Isinusulong ng Mandaluyong City na mapasama sa ikalawang tranche ng social amelioration program (SAP) ang mga hindi nakatanggap sa unang tranche.
Ayon kay Jimmy Isidro, tigapagsalita ni Mayor Menchi Abalos ng Mandaluyong City, nasala na ang unang listahan kaya’t mas mabilis na lamang ang verification kung mayroong karagdagan.
Mas mabilis na rin anya nilang maisasagawa ang second tranche dahil marami silang leksyon na natutunan sa naunang bahagi ng pamamahagi ng ayuda.
Samantala, hindi anya sila naka 100% nakatapos sa huling araw ng extended deadline sa pamamahagi ng sap.
Gayunman, halos 1% na lamang anya ang natira kayat ipadadala na lamang ito sa kani kanilang tahanan.
Yung pera wala naman yung listahan kaya ang ikinatagal ng lahat ng LGU ay yung pagbigay samin ng mga listahan ng mga pangalang bibigyan, ang nangyari dun inisa-isa pa namin kaya kung mapapansin mo talagang nagtagal ang DSWD sa verification atsaka dun sa distribution, nung nakuha mo na late na masyado so, lahat ng mga yun kinolate namin at sabi namin dito sa 2nd tranche na mangyayari hindi na mangyayari yun kasi atleast kahit papaano we learned our lesson ,” ani Isidro. — panayam mula sa Ratsada Balita.