Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pamilyang hindi pa nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno na magreklamo sa kanilang mga gobernador at mayor upang maiparating ito sa Malakaniyang.
Ito’y matapos maglabasan ang mga reklamo ukol sa pamimili umano sa mga bibigyan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at hindi sa mga tunay na nangangailangan.
Ayon sa pangulo, maaaring lumapit ang mga may reklamo sa mga radio station at iba pang paraan upang makaabot ito sa Palasyo.
Sinabi ng pangulo na ang lahat ng mga hindi nabigyan ay makatatanggap ng tulong mula sa gobyerno.