Babayaran ng mga hindi Overseas Filipino Workers (OFW)’s ang gastos sa kanilang accommodation kung kailangang sumailalim sa quarantine sa mga government accredited facilities.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque batay na rin sa quarantine and testing procedures ng bansa para sa lahat ng mga uuwing pinoy mula sa ibang bansa at mga dayuhan.
Isasalang naman aniya ang mga uuwing Pinoy at dayuhan sa quarantine process at mayruong centralized processing ng lahat ng kinakailangang dokumento bago sumailalim sa RT-PCR tests at ma quarantine ng dalawa hanggang limang araw habang hinihintay ang resulta.
Kapag nag positibo diretso na kaagad sa ospital o temporary health facilities na pinapatakbo ng gobyerno subalit pag nag negatibo .papayagan ang Pinoy o dayuhan na magtungo na sa kanilang destinasyon at a ayudahan na lamang ng Department of Transpotation (DOTr) o Local Government Units (LGU)’s.