Nahaharap sa multa ang mga hindi pa nabakunahang indibidwal ng bayan ng Carmen sa Agusan del Norte.
Naglabas si Carmen Mayor Jovitte Calo ng executive order noong Enero a-27 para sa mandatory vaccination ng mga miyembro ng populasyon, kabilang ang mga menor de edad na may edad 12 hanggang 17 anyos.
Sa ilalim ng EO, ang mga hindi nabakunahang residente ay hindi papayagang lumabas ng kanilang mga tahanan maliban upang bumili ng mga mahahalagang produkto at serbisyo.
Ang mga lalabag ay magmumulta mula P500 hanggang P1,000.
Ipinapatupad ang “no vaccination, no entry” policy sa pinagsanib na checkpoint ng mga otoridad, militar at Department of Health (DOH) sa barangay Tagcatong malapit sa boundary ng Agusan del Norte at Misamis Oriental. —sa panulat ni Kim Gomez