Hindi na papayagan pang pumasok sa mga establisyemento ang mga hindi pa fully vaccinated individuals sa Cebu City simula sa January 1.
Ayon kay Cebu City Mayor Michael Rama, layon ng kaniyang bagong direktiba na mahikayat pa ang mga residente na magpabakuna kontra COVID-19 bago matapos ang taon.
Batay pa sa kautusan, hindi rin papayagan na makapasok sa mga establisyemento ang mga batang may edad 12 hanggang 17 na hindi pa bakunado kahit pa may kasama silang fully vaccinated adults.
Sa kasalukuyan nasa alert level 2 ang Cebu City at mayroong mahigit 400,000 fully vaccinated individuals at mahigit 600,000 naman ang nakatanggap ng first dose. —sa panulat ni Hya Ludivico