Dapat hanapin ng mga lokal na pamahalaan ang mga hindi pa nababakunahan at eligible na makatanggap ng booster shots kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government o DILG secretary Eduardo Año, na dapat mag house-to-house ang mga lokal na opisyal.
Aniya dapat i-maximaze ng mga LGU ang kanilang hurisdiksyon para himukin ang mga hindi pa nababakunahan na magpaturok na bilang pag-iingat sa mas nakahahawang Omicron subvariant na BA.4
Nabatid na kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Sabado ang kaso ng BA.4 subvariant sa isang Pilipino na dumating sa bansa noong May 4 mula sa Middle East at nagpositibo sa test result noong May 8.
Batay naman sa European Center for Disease Prevention and Control (ECDC), variant of concern ang subvariant na BA.4 dahil maari itong kumalat nang mas mabilis o magdulot nang mas malalang sakit.