Apatnapu pang hindi nakikilalang bangkay na kabilang sa nasawi sa mahigit apat na buwang bakbakan sa Marawi City ang inilibing.
Pinangasiwaan ang paglilibing ng mga personnel ng Bureau of Fire Protection, Lanao Del Sur Provincial Government, police regional office-autonomous region Muslim Mindanao, militar at Department of the Interior and Local Government.
Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez Junior, commander ng AFP-Western Mindanao Command, kinuhanan ng DNA sample ng mga forensic expert at isinailalim sa proper documentation ang mga bangkay sakaling hanapin ng kanilang mga kaanak.
Nagpasalamat naman si Galvez sa mga Muslim Clerics o Ulama na tumulong upang mailibing ang mga labi sa Maqbarah Cemetery.