Nagpaalala ang DTI-Bureau of Philippine Standards (BPS) sa kumakalat ng mga hindi rehistradong mga LPG tank na nagkalat sa ilang pamilihan sa bansa.
Ang panawagan ng DTI-BPS, ay para tiyaking maayos ang kundisyon ng mga nabibilang LPG tanks at ligtas itong gamitin.
Bukod pa rito, payo ng DTI sa publiko na bago bumili ng LPG tanks, makabubuting suriin muna kung aprubado ba ito at may tatak na ‘PS’ o philippine standard at ‘ICC’ o import commodity clearance.
Paliwanag pa ng ahensya, dahil na rin sa pagmahal ng ilang bilihin, mas pinipili ng mga mamimili na bumili ng mura o mas mababang presyo nito.
Ilan sa nakita ng DTI na walang mga marka ng ‘PS’ at ‘ICC’ ay ang Bezz Gaz.
Kaya’t payo ng DTI, kung kakaunti lang naman ang deperensya ng presyo, mas makabubuting sa kilalang produkto na ang bilihin para makasisiguro sa ligtas na paggamit nito.