Hindi na karapat-dapat pang tawaging pulis ang mga miyembro ng NCRPO o National Capital Region Police Office na hindi sumipot sa kanilang biyahe patungong Basilan.
Ito’y makaraang nasa mahigit 50 lamang mula sa halos 300 pulis iskalawag ang dumating sa Villamor Airbase bilang bahagi ng ginagawang cleansing sa PNP o Philippine National Police.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Superintendent Dionardo Carlos, hindi na problema ng liderato ng pambansang pulisya kung hindi sumipot ang iba pang mga pulis na dapat sana’y kabilang sa mga ipapatapon sa Mindanao.
Paglilinaw pa ni Carlos, hindi naman panghabang buhay ang pananatili ng mga pasaway na pulis sa Mindanao at maaari pa rin silang makabalik sa Metro Manila sa panahon ng kanilang break o bakasyon.
By Jaymark Dagala