Manghuhuli na ang Joint Task Force COVID-19 Shield simula ngayong araw, Agusto 1, sa mga hindi sumusunod sa itinakdang barrier para sa mga awtorisadong mag-angkas sa motorsiklo.
Ayon kay Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, umaasa silang makasusunod na ang lahat ng mga gumagamit ng motorsiklo matapos ang tatlong linggong palugit na ibinigay sa kanila.
Giit ni Eleazar, ipinatutupad lamang nila ang nakasaad sa inilabas na guidelines ng National Task Force Against COVID-19 kung saan dalawang disenyo ang inaprubahan nito.
Una ay ang prototype design na iprinesinta ni Bohol Governor Arthur Yap na yari sa steel frame at plastic barrier na nakakabit sa mismong motorsiklo.
Habang ang ikalawa nama’y ang disenyo ng raid hailing app na Angkas official na si George Royeca na hinango sa isang backpack.
Paglilinaw ni Eleazar, hindi kailangang maglagay ng barrier ang lahat ng mga nagmomotorsiklo basta’t wala silang i-aangkas.