Nabigyan na ng tulong pinansyal ang mga hog raiser sa North Cotabato na naapektuhan ng african swine fever (ASF).
Ayon sa provincial veterinary office mahigit P1-M ang nakuhang ayuda ng 153 hog raisers mula sa mga bayan ng Makilala at Kidapawan City.
Nanggaling mismo sa provincial government ang nasabing tulong habang hinihintay ang suportang pinansyal din mula sa Department of Agriculture.
Sinabi ni Provincial Veterinary Office Chief Sr. Rufino Sorupia na hindi muna pinapayagang mag-alaga muli ng baboy ang mga hog raiser para matiyak ang kalusugan ng bawat isa at maiwasang kumalat pa ang ASF sa lalawigan.