Nadagdagan pa ang mga ospital na nag anunsyo na hindi na nila kakayanin pang tumanggap ng COVID-19 cases.
Sa advisory ng Delos Santos Medical Center, humingi ng paumanhin ang ospital dahil puno na anila ang kanilang ICU at isolation areas para sa COVID-19 cases.
Dagdag pa ng ospital na kulang na kulang ang kanilang personal protective equipment (PPE) at iba pang medical supplies na kailangan sakaling ipagpatuloy nila ang pagtanggap ng mga patients under investigation (PUI).
Una nang nag anunsyo na hindi na muna tatanggap ng COVID cases ang Makati Medical Center, The Medical City at dalawang sangay ng St. Lukes Hospital.