Inirekomenda ng National Task Force Against COVID-19 ang pagkakaroon ng apat na ospital na para lamang sa mga pasyente ng COVID-19.
Sa pamamagitan anya nito, sinabi ni NTF Chief Implementer Carlito Galvez na mas mapapadami ang kapasidad ng mga ICU’s at isolation beds at hindi rin makokompromiso ang mga pasyente ng ibang sakit tulad ng mga nagda dialysis, cancer patients at iba pa.
Sa ngayon kasi anya ay nasa 30% lamang ng kapasidad ng isang ospital ang nakalaan para sa COVID-19 patients.
Gayunman, may mga government hospitals pa naman anya na puwedeng gawing eksklusibo sa COVID-19 lamang.
We will try to dance with the virus, dapat palakasin natin yung ICU natin at yun nakita namin sa Quirino Memorial Hospital meron tayong mega ER, yung isang floor dun ginagawa ngayon at meron siyang 50 ICU beds at doon sa East Avenue Medical Center binisita din namin ni Dr. Vega at nakita namin doon na meron tayong 280 beds atsaka meron tayong 25 ICU beds. Kung made-dedicate natin sa COVID, sa COVID lang yun, maganda na magkaroon ng tinatawag; sa Metro Manila na “for COVID hospitals dedicated,” ani Galvez.