Binabalak na ni Pangulong Rodrigo Duterte na sampahan na ng kaso ang mga hotel at business owners sa Boracay.
Ito ang binigyang-diin ng pangulo kasabay ng pagbibigay nito ng babala sa mga negosyante sa isla na wag gumawa ng anumang panggulo sa mga ipinatutupad ng pamahalaan na mga hakbangin para muling maibalik ang dating ganda ng Boracay.
Pahayag ng pangulo, handa niyang isailalim sa land reform ang buong isla lalo na’t binalahura lamang ito ng mga abusadong negosyante.
Ayon sa punong ehektibo, hindi nya sasantuhin ang sinuman kahit pa may-ari ng isang 5 star hotel.
“Kayong mga negosyante wag kayong mag udyok udyok diyan, pag ini-land reform ko yan, sinsilyo ang abot ninyo. We have what? To test 5 star hotels? I don’t give a sh*t. You have spoiled the place.”
Ipinagtataka naman ni Pangulong Duterte kung paanong nasabi ng mga negosyante doon na pag-aari nila ang ilang property sa Boracay gayung isa itong forestal o agricultural land.
Giit ng pangulo, walang batas sa Pilipinas na nagdedeklarang isang commercial area ang Boracay.