Planong maglunsad ng promo rate ang Philippine hotel industry para sa mga turistang Pinoy.
Ito’y sa gitna ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Philippine Hotel Owners Association Representative Rafael Chico, aabot na kasi sa P22-B ang nalulugi sa hotel industry dahil sa virus.
Kasabay kasi aniya ng paghina ng turismo sa bansa ay ang pagtumal din ng mga booking sa hotel.
Marami na rin umano ang nagkansela ng kanilang reservation bunsod ng ipinatupad na travel ban sa ilang bansa at lockdown ng mga airport.