Nagbanta ang Department of Tourism (DOT) na kanilang ipasasara ang mga hotel sa Boracay na hindi sumusunod sa protocols ng pamahalaan.
Kasunod ito ng pagsirit ng bilang ng mga turista sa nasabing isla nitong nagdaang Semana Santa.
Ayon kay Tourism Secretay Bernadette Romulo-Puyat, 19,000 lamang ang pinapayagan sa Boracay pero sumipa ito sa 22,000 nitong Holy Week kung saan, hindi na umano nasunod ang health and safety protocols.
Sinabi ni Puyat na ang pagluluwag ng restriksiyon sa bansa ay “shared responsibility” kung saan, kabilang ang gobyerno at mga turista sa pagsunod ng mga tungkulin para mapababa ang COVID-19 cases sa bansa.
Dahil dito, bubuo na ng “Boracay Inter-Agency Task Force” para mapanatili ang pagsunod sa protocols ng mga turista at mga bakasyunista sa isla at mapangalagaan ang natural na estado ng Boracay.