Pinatatakpan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng hukay at butas sa mga lansangan sa Metro Manila.
Ito’y para matiyak na maayos ang daloy ng mga sasakyan ngayong kapaskuhan at para maiwasan din ang mga aksidente sa lansangan.
Sinabi pa ni MMDA acting Chairman Atty. Romando Artes na pinapaayos na rin ng ahensya sa mga contractor ang mga construction material na nakaharang sa mga daan na nagiging dahilan ng mabigat na trapiko.
Una nang sinabi ng MMDA na inaasahang tataas hanggang dalawampung porsiyento ang traffic volume sa kahabaan ng edsa ngayong holiday season.