Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga hukom para supilin ang katiwalian sa pamahalaan.
Ito ang binigyang diin ni Ombudsman Conchita Carpio – Morales sa harap ng mga miyembro ng Philippine Women Judges Association sa Vigan City, Ilocos Sur kahapon.
Ayon kay Morales, dapat makiisa ang lahat ng Huwes, lalaki man o babae sa kampaniya kontra kurapsyon dahil tungkulin nilang panatilihin ang public accountability at transparency sa gubyerno.
Kasabay nito, bilang dating mahistrado ng Korte Suprema, hinimok ni Morales ang lahat ng mga hukom na manatiling tapat sa kanilang tungkulin.
By: Jaymark Dagala