Nanganganib na bumagsak ng hanggang 50% ang pangingisda sa Pilipinas pagsapit ng taong 2050.
Batay ito sa pag-aaral mula sa University of British Columbia kung saan lumalabas na nasa 30 hanggang 50% ng maximum catch potential ng bansa ang posibleng ibaba dahil sa epekto ng climate change.
Sa katunayan, inaasahang nasa 7.7% ang ibabagsak ng pangingisda sa buong mundo kung magpapatuloy anila ang carbon dioxide emission.
Dahil dito, napakalaking kita mula sa sektor ng pangisdaan ang mawawala lalo’t nasa 197 billion pesos ng naiaambag nito sa gross domestic product.
Maliban dito, nasa mahigit 1.6 na milyong Pinoy ang naka-depende ang pamumuhay sa pangingisda.
By Ralph Obina