Magdaragdag ng augmentation force ang Commission on Elections o COMELEC para sa mga hahabol na magparehistro sa 2016 elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman Dir. James Jimenez, ito’y dahil sa kapansin-pansin na ang pagdagsa ng maraming tao sa nalalabing araw ng registration period.
Sa Metro Manila aniya naitala ang pinakamalaking bilang ng mga nagnanais humabol na magparehistro kaya’t minabuti na ang pagbibigay ng priority numbers sa pila kapag inaabutan ng pagsasara.
Ngunit nilinaw ni Jimenez na hindi uubra ang next day spill over o gawing prayoridad ang mga may hawak nang numero na hindi nakapagparehistro sa nakalipas na araw.
By Jaymark Dagala