Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga human rights advocate na patuloy na tumutuligsa sa kanyang kampanya kontra iligal na droga.
Sa kanyang pagdalo kahapon sa inagurasyon ng Gov. Miranda Bridge II sa Tagum City, Davao del Norte, iprinisinta ng Pangulo kung gaano kalala ang problema ng Pilipinas sa droga.
May pagkakataon pa aniya na para makaiwas sa kaso ang isang drug suspect, idedepensa ng abogado ng mga ito na wala sila sa sariling katinuan nang magawa ang krimen.
Iginiit pa ng Pangulo na umaabot na sa 77,000 drug-connected at homicide cases ang naitala sa mga nakalipas na administrasyon.
Bunsod nito, sinabi ng Pangulo na sisikapin niyang matapos ang drug war sa loob ng tatlong taon.
By: Meann Tanbio