Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga human rights groups na siliping maigi ang drug situation sa bansa.
Ito’y sa gitna ng ikinakasang imbestigasyon ng International Criminal Court laban sa war on drugs ng kanyang administrasyon.
Ayon sa Pangulo, dapat ding mapansin ng mga human rights group ang mga sakripisyo ng mga pulis tuwing may operasyon kontra iligal na droga.
Ipinunto ng punong ehekutibo na wala naman ding nangyari nang imbestigahan siya ng human rights commission. — Sa panulat ni Drew Nasino.