Dapat umanong dumaan sa kaparehas na proseso ng gobyerno ang iba pang nais maging telecommunications player sa bansa.
Ito ang iginiit ng DITO Telecommunity Corporation para naman aniya maging patas sa kanilang prosesong pinagdaanan bago sila maging 3rd telco player sa bansa.
Ayon kay DITO Chief Administrative Officer Adel Tamano, kung sakaling magpapasok pa ang gobyerno ng 4th at 5th telco, dapat ay dumaan din ito sa bidding at hingian ng mga requirements, performance bond at government commitments.
2018 nang ideklara ang DITO o dating Mislatel Consortium bilang bagong major player matapos dumaan sa mahigpit na proseso ng pagpili kasama ang ibang bidders.
Ang DITO ay binubuo ng Udenna Corporation, Chealsea Logistics and Infrastructure at China Telecommunications Corporation.