Hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga ibinibentang test kits ngayon para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nilinaw ito ni FDA Director General Eric Domingo na nagsabing ang mga nasabing test kits ay posibleng nailusot ng importers ng walang permit at certificate of approval.
Sa kasalukuyan aniya ay 15 COVID-19 test kits lamang ang inaprubahan ng FDA for commercial use.
Ang 4 ay mula sa China, 3 ang brand na galing sa South Korea, tig-2 sa Singapore at Amerika, at iba ay mula sa Spain, Germany, at United Kingdom.
Sinabi ni Domingo na patuloy pa rin ang field validation sa UP-PGH ng test kits.