Malamig ang Senate blue ribbon committee sa inihaing resolusyon ni Senadora Leila De Lima na humihiling na imbestigahan ang umano’y pagkakasangkot ni presidential Economic Adviser Michael Yang sa iligal na droga.
Kasunod na rin ito ng pagsisiwalat ni dating Police Col. Eduardo Acierto na si yang ang nasa likod ng ilang operasyon ng iligal na droga sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon kay Senate blue ribbon committee chairperson Richard Gordon, walang dahilan para muling buksan ang imbestigasyon sa usapin dahil wala rin aniyang ipinipresentang bagong ebidensiya si Yang.
Sinabi ni Gordon, inililihis lamang ni Acierto ang usapin para hindi mapanagot sa kinasasangkutang kontrobersiya sa pagkakapuslit sa bansa ng labing isang bilyong pisong halaga ng shabu na isinilid sa mga magnetic filters.
Paglilinaw naman ng senador may bisa pa ang warrant of arrest laban kay Yang kaya maaari pa rin itong arestuhin at sampahan ng kaso.