Umapela ang pamunuan ng Department of Health (DOH) sa mga pagamutan na palawigin pa ang kanilang mga ICU beds para sa kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y bunsod ng sabay-sabay na pag-anunsiyo ng mga ospital na naabot na ng mga ito ang kanilang bed capacity na inilaan sa mga tinamaan ng nakamamatay na virus.
Pagdidiin naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega, dapat aniyang may 30% minimum bed allocation ang mga ospital para sa mga kasong may kinalaman sa COVID-19.
Dagdag pa ni Vega, may ilang mga ospital din ang hindi sumusunod sa kautusang ito.
Samantala, payo ng DOH sa mga ospital at iba pang health care facilities sa bansa, mas maganda anila kung palalawigin pa ng mga ito ang kanilang COVID-19 bed allocation sa hanggang 60%.