Halos P149,445 ng mga ilegal na paputok at pyrotechnic device ang nasamsam at winasak ng mga otoridad sa Camp General Pantaleon Garcia sa Cavite.
Ang Ceremonial Disposal ay pinangunahan ng mga Opisyal ng Cavite Philippine National Police (PNP), bureau of fire protection (BFP), at mga kinatawan ng Local Government Units (LGUs).
Ang mga ipinagbabawal na paputok ay nakumpiska mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan sa isinagawang Three-Day Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations.
Sa seremonya, nagpahayag ng simpatiya si Cavite Pnp Provincial Director Col. Arnold Abad sa pagkawala ng puhunan sa negosyo sa mga nagbebenta ngunit muling iginiit na dapat unahin ang kaligtasan ng publiko. —sa panulat ni Kim Gomez