Hindi bababa sa 16 na shuttle service vans ang hinuli at inimpound ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT).
Ito’y sa kanilang isinagawang anti-colorum operations sa Batangas.
Ayon sa i-ACT, kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Coast Guard at Highway Patrol Group, nagtungo sila sa Sto. Tomas Exit ng South Luzon Expressway (SLEX) at STAR Tollway kung saan nila naharang ang mga private van na kanilang hiningian ng requirement bilang shuttle service, ngunit ilan sa mga ito ay bigong makapagprisinta.
Kinakailangan kasi na kumpletong hawak ng driver ng shuttle ang kanilang contract of lease, passenger accident insurance, valid ID ng driver at may body markings ang van.
Kinakailangang makabayad ng P200,000 ang may-ari ng van para kaniyang mabawi ang sasakyan sa impounding area sa Pampanga.