Pina-iimbentaryo ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang mga iligal na droga na nasa kustodiya ng Crime Laboratory.
Inatasan ni Dela Rosa si Directorate for Investigation and Detective Management Director Augusto Marquez Jr. para malaman kung tawas o totoong iligal na droga ang mga ito.
Ginawa ni Dela Rosa ang nasabing hakbang matapos maaresto si Supt. Lito Cabamongan, pinuno ng PNP Crime Laboratory Alabang Satellite Office, habang nagpa-pot session sa Las Piñas City.
By Meann Tanbio