Tatlumpung libong Pisong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng Philippine Coast Guard at Philippine Drug Enforcement Agency sa Odiongan, Romblon noong a-Nueve ng Abril.
Maliban sa iligal na droga, nakumpiska rin mula sa mga suspek na sina Joseph Forio Ignacio, Jones Faigao, Benriv Fronda at Al Fernandez ang ilan pang drug paraphernalia.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 1059 o illegal possession of firearms ang mga naturang suspek.
By: Meann Tanbio