Binalaan ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga nagbebenta ng tickets para sa game 7 finals ng PBA Commissioners Cup.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, mahigpit na nakabantay ang mga otoridad laban sa iligal na bentahan ng ticket sa laro.
Sinumang mahuhuli sa iligal na bentahan ay mahaharap sa kaukulang kaso
Nitong nakaraang miyerkules, 3 katao na ang naaresto ng mga kapulisan dahil sa pagbebenta ng ticket na may patong sa presyo.
Ngayong araw, Enero 15 gaganapin ang game 7 sa pagitan ng Barangay Ginebra at Bay Area Dragons sa Philippine Arena sa Bulacan.