Saku-sakong iligal na paputok ang nakumpiska ng mga otoridad matapos ang raid sa isang paggawaan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.
Kabilang sa mga nakumpiskang paputok ay pla pla, kabasi, goodbye philippines at super lolo.
Ayon sa mga otoridad, posibleng nakatanggap ng tip ang mga trabahador ng nasabing paggawaan ng paputok dahil wala na ang mga ito nang isagawa nila ang raid.
Samantala, nanawagan ang Bulacan Police sa publiko na huwag tangkilin ang mga iligal na paputok.
Magmumulta ng P20,000-P30,000 ang mahuhuling gumagagawa ng mga iligal na paputok bukod pa sa kulong na hindi lalampas sa 6 na buwan.
By Judith Larino