Kakasuhan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista at opisyal ng barangay na pumaparada ng iligal sa mga kalsada sa Metro Manila.
Ito’y dahil sa ulit-ulit lamang ang sitwasyon dahil sa bumabalik lamang ang mga nahuhuling sasakyan pagkatapos ng isinasagawang clearing operations sa mga ginagawang parking area ang mga secondary road.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, makatuwiran lamang ang nasabing hakbang dahil sa perhuwisyong dulot din ng mga nakaparadang sasakyan sa mga sumusunod na motorista.
Kailangan din aniyang managot ang mga opisyal ng barangay na pumapayag na magpaparada sa mga sasakyan kahit batid nilang ipinagbabawal ito ng pamahalaan.
By Jaymark Dagala